Pagbubuong-panibago ng suso
Ang pagbubuong-panibago ng suso ay hindi kinakailangan ngunit isa mo itong karapatan. Mayroong mga nakaligtas matapos ang pag-opera (mastectomy) na sabay sumasailalim kaagad sa pagbubuong-panibago ng suso, mayroon namang ipinagpapaliban muna ito o di kaya’y nagsusuot na lamang ng prosthesis at ang iba naman ay pinanatili na lamang ang kasalukuyang kalagayan ng suso. Tandaan na ang pagpapasiya ay nasa sa iyo.
Ang layunin ng pagbubuong-panibago ng suso ay upang mapanatiling timbang sa paningin ang isang babae kapag may suot na bra.
Ang pagbubuong-panibago ng suso ay maaaring isabay sa pag-opera (mastectomy) o di kaya’y sa anumang panahon pagkalipas ng pag-opera. Ang kabutihan ng agad na pagbubuong-panibago ng suso ay:
-
Matapos ang pag-opera, magigising ka na mayroong suso
-
Isang operasyon o pagtitistis lamang
Ang kabutihan naman ng pag-antay ay:
May panahon upang makapili ng iba’t ibang uri ng pagbubuong-panibago ng suso
-
Mababawasan ang pagkakataong magkaroon ng impeksiyon kung kinakailangan na mag-chemotherapy
-
Hindi kailangan na makipagtakda sa dalawang manggagamot
Ang pagbubuong-panibago ng suso ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtanim ng hindi tunay na himaymay (tissue) o di kaya’y ang paggamit ng sariling himaymay ng pasyente. Ang sumusunod ay talaan ng iba’t ibang uri ng pagbubuong-panibago ng kanser sa suso.
Pagtanim ng Hindi Tunay na Himaymay
-
Pagtanim ng hindi tunay na himaymay na maaaring maglaman ng saline o silicone gel
-
Ang hindi tunay na himaymay ay maaaring maglaman ng saline o silicone gel. Bago ilagay ang hindi tunay na himaymay, binabanat ang balat ng suso sa pamamagitan ng isang kagamitan na pampalaki o expander. Ang expander ay isang nababanat na supot na mayroong tubo at barbula na ipinapasok sa likod ng kalamnang-pectoral.
-
Ang supot na ito ay unti-unting pinupuno ng saline sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan upang ang balat ay mabanat sa tamang laki. Matapos ang patakaran na ito, inaalis ang pampalaki at pinapalitan ng hindi tunay na himaymay (implant).
Ang kabutihan ng paggamit ng hindi tunay na himaymay
-
Sandali lamang ang pag-opera at maikli ang panahon ng pagpapagaling.
-
Sandali lamang ang pag-opera at maikli ang panahon ng pagpapagaling.
-
Mas mura kung ihahambing sa ibang pamamaraan
Ang disbentaha ng hindi tunay na himaymay
-
Ang pangkaraniwang suliranin ay ang capsular contracture kung saan na ang peklat ay humuhubog sa paligid ng hindi tunay na himaymay at pinipipi ito. Sa ganitong pangyayari, ang suso ay matigas sa pakiramdam at mangangailangang tanggalin o di kaya’y palitan ang hindi tunay na himaymay.
-
Lumalaki ang pagkakataon na pumutok
-
Makabagbag-puso at magastos ang pagpapalit
-
Lalong mahirap tuklasin ang kanser sa pamamagitan ng mammogram (ang peklat ang madalas pinangyayarihan ng pag-ulit o pagbabalik ng dating kanser)
Pirmihang pampalaki ng himaymay
Pamamaraan na gamit ang iyong sariling himaymay
Ang pagbubuong-panibago ng suso gamit ang iyong sariling himaymay ang nagbibigay ng parang tutoong anyo at naiiwasan ang paglagay ng hindi tunay na bagay sa iyong katawan. Sa kabilang dako naman, maaaring masakit ito sa nagkaloob ng himaymay at di kaya sa pasyente, at ang paggamit ng tunay na himaymay ay mas mahal. Ang operasyon sa ganitong pamamaraan ay mas matagal.
Ang pamamaraan ng pagbubutas na gamit lamang ay balat at taba
-
Deep inferior epigastric perforator (DIEP) flap: tiyan
-
Ang DIEP ay gumagamit ng balat ng tiyan at himaymay ngunit hindi ginagamit ang karamihan ng laman. Ang nagtutustos ng dugo sa balat ay pinapangalagaan sa pamamagitan ng pagbutas ng mga ugat na daluyan ng dugo mula sa malaking ugat ng inferior epigastric. Ang DIEP flap ay itinatanim sa dibdib para sa pagbubuong-panibago ng suso sa pamamagitan ng pagkabit ng mga ugat na dinadaluyan ng dugo sa panloob na kayarian ng suso.
-
Superficial inferior epigastric artery (SIEA) flap: tiyan
-
Lateral thigh perforator flap: bahagi ng hita
-
Thoracodorsal artery perforator (T-DAP) flap: itaas ng likod
-
Superior gluteal artery perforator (S-GAP) flap: pigi
-
Sa mga kababaihan na walang sapat na balat upang gamitin para sa pagbubuong-panibago ng suso sa pamamagitan ng DIEP flap, isa itong mabuting mapagpilian. Ang GAP flap ay maaaring gamitin kung saan ang flap ng tiyan (TRAM o di kaya’y DIEP flap) ay nagamit na o hindi na maaaring gamitin dahil sa pagkakaroon na ng peklat sa tiyan.
-
Inferior gluteal artery perforator (I-GAP) flap: ibaba ng puwitan
Pamamaraang walang pagbubutas at gumagamit ng balat, taba at kalamnan
-
Transverse rectus abdominis myocutaneous (TRAM) flap: tiyan
-
Ang balat, taba , ugat at isang kalamnan ay itinutunel mula sa tiyan hanggang sa dibdib at inihuhugis na parang suso, sabay namang nagiging dahilan na mapaliit ang tiyan.
-
Latissimus dorsi (LAT) flap: itaas ng likod
-
Ang taba, balat, kalamnan at ugat ay itinutunel mula sa itaas ng likod hanggang sa dibdib. Isang hindi tunay na himaymay ang madalas gamitin pa sa pagbubuong-panibago ng suso upang gayahin ang laki ng natirang suso.
-
Lateral thigh flap: hita
-
Superior gluteal myocutaneous flap: pigi
-
Inferior gluteal myocutaneous flap: ibaba ng puwitan
-
Free flap: himaymay na pinutol sa ugat at ikinakabit muli
-
Kalamnan, taba at balat mula sa tiyan, hita at sa pigi ay pinuputulan ng ugat at ikinakabit sa dibdib. Ang pamamaraang ito ang pinaka-mahirap at nangangailangan ng isang dalubhasang maninistis na magtatahing muli ng gabuhok na ugat upang mapanumbalik ang dugo sa mga himaymay.
-
Ang pagbubuong-panibago ng utong ay maaaring isagawa matapos ang pagbubuong-panibago ng suso. Malaki ang pag-asang mailagay ang utong sa wastong bahagi dahil ang pabubuong-panibago ng utong ay isinasagawa lamang matapos gumaling ang pag-opera ng bagong suso.



