Chemotherapy
Ang chemotherapy ay isang pamamaraan ng paggamot na nagbibigay-wakas sa mga kanser sa katawan sa pamamagitan ng paghahadlang sa paglago nito. Isa ito sa pinakamabisang kasangkapan upang labanan at sugpuin ang kanser. Bawat pasyente ng kanser sa suso ay naiiba, kaya ang ipinapayong pamamaraan ng chemotherapy ay ibinabagay sa pangangailangan ng bawat pasyente.
Mayroong dalawang uri ng chemotherapy:
-
Adjuvant – Ginagamit kasabay o pagkatapos ng pag-opera at radiation.
-
Neo-adjuvant – Ibinibigay bago mag-opera upang paliitin ang bukol nang sa ganun ay di gaanong maging malawak ang pag-opera.
Ang chemotherapy ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan:
-
Intravenously (I.V.) – iniksiyon sa ugat
-
Central Access Device – tinatawag din sa pangalang vascular device o central line. Minsan, isang tubo ang inilalagay sa katawan kung saan iniiniksiyon ang droga upang di madapuan nitong nakakalasong droga ng chemotherapy ang malulusog na himaymay.
-
Orally (P.O.) – paggamot sa pamamagitan ng pag-inom ng pildoras
Dahil ang paggagamot ay nakakaapekto sa mga di-pangkaraniwan at pangkaraniwang cells lalo na ang utak sa buto, panunaw sa tiyan, pag-aanak at mga ugat ng buhok – ang masasamang epekto ay pangkaraniwan. Ang iba’t ibang uri ng gamot ay mayroong iba’t ibang epekto, kaya kailangan ay maitanong mo sa iyong manggagamot kung anong uri ng chemotherapy ang isasagawa sa iyo.
Mga masamang epekto ng chemotherapy
Mahalagang ipaalam mo sa iyong mga manggagamot ang anumang nararamdaman, kahit hindi ka nakakasiguro na ang mga ito ay bunga ng iyong paggagamot. Sa ganuong paraan, agad matutugunan ng iyong manggagamot ang anumang pagkabahala mo at nang mapaginhawa ang mga sintomas.
Naaapekto ng chemotherapy ang pagtubo ng di-pangkaraniwan at pangkaraniwang mga cells – lalo na ang utak sa buto, panunaw sa tiyan, pag-aanak at mga ugat ng buhok – kaya’t pangkaraniwan lamang na makaramdam ng masamang epekto.
Ang mga pangkaraniwang masamang epekto ng chemotherapy ay ang mga sumusunod:
-
Pagkapagod at kakulangan sa dugo: ang kakulangan sa dugo ay maaaring makadagdag sa pagkakaroon ng impeksiyon o pagdurugo.
-
Maagang paghinto ng pagreregla
-
Kahinaan ng buto
-
Pagkawala ng memorya
-
Mga sugat sa bibig
Kung ang mga masamang epektong ito ay napakahirap, mayroon namang mga mabisang pamamaraan upang magamot ang mga ito. Ang mga gamot na irereseta ng iyong manggagamot ay makakatulong upang maiwasan ang pagduwal , pagsusuka at kakulangan sa dugo. Mayroon din namang mahuhusay na peluka at sombrero upang maitago ang pagkalagas ng buhok.
Ibang bagay naman ang makabagbag-pusong suliranin na kasabay ng masamang epekto ng paggagamot . Makakatulong ang pakikipag-usap sa kapuwa pasyente na dumaan din sa chemotherapy – kung paano sila nakaraos dito. Kung tatawag ka sa 24-Hour Y-ME National Breast Cancer Hotline, maaari kang makipag-usap sa isang tulad na nanggaling na duon.



