English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page

Pagkahapo at Kakulangan sa Dugo

Pagkahapo

Ang pagkahapo ay isa sa pangkaraniwang masamang epekto ng kanser at ng paggagamot ng kanser. Ang pagkahapo ay ang pangkalahatang pagkapagod at lubos na pagkawala ng sigla. Maaaring ito ay dahil sa malaking pangangailangan ng pahinga, ang kawalan ng kakayahang maibalik ang sigla sa pamamagitan ng pagpahinga, kahirapan sa pagharap o kawalang-hilig sa mga nagaganap.

Kung ihahambing sa mga palatandaan ng pagduwal o sakit, ang pagkahapo ay maaaring napakahirap kilalanin at pag-usapan. Mga pakiramdam na tulad ng panghihina, pagkahilo, kahirapan mag-isip at kapaguran ay maaaring bahagi ng pagkahapo. Minsan, maaaring maisip na sila ay tinatamad lamang o di-kaya’y nalulungkot lamang. Maaaring sabihin lamang nila sa sarili na “Mawawala rin ang pakiramdam na ito kung tunay kong nanaisin”. Ang pabigla-biglang pagbabago ng pagkahapo ay maaaring mangahulugang mayroong matinding suliranin.

Ang mabagal at unti-unting pagtindi ng pagkahapo ay maaaring mauwi sa pagkawala ng kakayanan upang gampanan ang pang-araw-araw na mga gawain. Wala pang mga pagsubok sa paggagamot ang nakakapag-sukat ng pagkahapo; ngunit ang karamihang pagkahapo ay nagagamot. Ang mga maysakit na nakakaramdam ng pagkahapo ay kailangan na ipaalam ang kanilang nararamdaman sa kanilang manggagamot o nurse upang mapag-alaman kung ang kadahilan ng pagkahapo ay magagamot at nang magawan ng paraan upang ang pagkahapo ay mabawasan.

Kakulangan sa Dugo

Ang pangkaraniwang dahilan ng pagkahapo ay ang kakulangan sa dugo, isang kalagayan na kung saan kakaunti ang red blood cells kaysa katamtaman. Ang tungkulin ng red blood cells ay ang maghatid ng oxygen sa mga himaymay ng katawan. Kapag walang sapat na bilang ng red blood cells, hindi matutugunan ang pangangailangan ng katawan ng oxygen. Ang kadalasang palatandaan ng kakulangan sa dugo ay ang matinding pagkahapo, kinakapos sa paghinga, pagkabawas ng kakilusan, pagkawala ng sigla, at maaaring maapekto ang pag-iisip.

Ang kakulangan sa dugo ay maaaring lalong magpalala sa mga kasalukuyang karamdaman. Halimbawa, kakailanganin ng puso ng pasyenteng kulang sa dugo ang mas trumabaho kung saan lalong mapapalala ang karamdaman sa puso. Isa pa, ang matinding kakulangan ng dugo ay maaaring maka-antala ng paggagamot o kailanganing magbawas ng dosis at makabawas sa bisa ng ilang chemotherapy agents at radiation, at tuloy manganib ang pagkakaroon ng pang-mahabang panahong pagbuti ang karamdaman.

Sa kabutihang-palad, mayroong mga gamot na nakakagaling sa kakulangan ng dugo. Mahigit 60 porsiyento ng mga pasyente na ginamot sa pamamagitan ng chemotherapy ang nagkaroon ng kakulangan ng dugo dahil pinapatay ng chemotherapeutic agents ang mga rapidly dividing cells sa katawan, kasama na rito ang mga kanser cells at ang red blood cells. Ang maagang pag-alam at paggamot ng kakulangan sa dugo ang pinakamabuting pamamaraan upang maiwasan ang matinding kakulangan ng dugo at mabawasan ang mga epekto nito. Kailangan palaging ipinapaalam ng mga pasyente sa kanilang manggagamot o nurse kapag nakakaramdam sila ng di-pangkaraniwang pagkahapo.

Ang diyeta ay maaaring makatulong sa pagbawas ng tindi at tagal ng kakulangan ng dugo sa ibang pasyente. Iron, folic acid, amino acids at vitamins B6, B12 at C ay lahat mahalagang bahagi ng paglago at pagtubo ng red blood cells. Ang diyeta ng isang may kanser sa suso o di-kaya’y mayroong kakulangan ng dugo ay dapat mayroong madahon at sariwang mga gulay, itlog, prutas, gulay na buto, mga butil at karne. Isa pa, dapat magtanong ang mga pasyente sa kanilang mga manggagamot kung kinakailangan ang pagdaragdag ng ano pa man.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel