English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page

Hormone Therapy

Ang hormones ay karaniwang nabubuong kalamnan sa katawan na bumubuhay sa mga himaymay tulad ng suso o prostate gland. Kapag ang kanser ay dumapo sa suso, tinutulungan ito ng mga hormone upang lumago at kumalat, kaya ang mga droga na nagpapahinto sa pagtubo ng hormone ay maaaring makatulong sa paglaban sa kanser. Isa pang paraan upang labanan ang karamdamang ito ay ang pag-alis ng bahagi ng katawan na nag-iipon ng mga hormone tulad ng bahay-itlog. Ang hormone therapy ay isang systemic na paggamot tulad ng chemotherapy – na nilalabanan ang kanser sa buong katawan.

Bilang halimbawa, dalawang uri ng kanser ang nabubuhay dahil sa hormone, ang estrogen receptor positive (ER+) at ang progesterone receptor positive (PR+). Ang tinatawag na “receptor sites” ay mga bahagi ng kanser cells kung saan maaaring dumikit ang mga hormones. Dahil ang ER+ at ang PR+ na kanser sa suso ay umaasa sa estrogen at progesterone upang tumubo, maaaring harangin ng manggagamot ang mga hormone upang “gutumin” ang mga kanser cells.

Ang ginintuang pamantayan ng hormone therapy ay ang droga na tinatawag na tamoxifen na humaharang sa estrogen. Naipakita sa mga pag-aaral na ang hormone therapy, gaya ng tamoxifen, ay nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa suso hanggang sa 50 porsiyento. Ang aromatase inhibitors naman ay isa sa mga bagong hormone therapy na nakakapigil sa pag-lago ng estrogen. Ang mga masamang epekto nito ay nagagaya sa mga palatandaan ng menopause, kasama na ang hot flashes. Kailangan mong makipag-usap sa iyong manggagamot tungkol sa mga masamang epekto ng drogang iyong gagamitin.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel