Pagduwal at Pagsuka
Apat na Uri ng Pagduwal at Pagsuka
Ang karaniwang masamang epekto ng kanser at ang panggagamot ng kanser o pangalawang impeksiyon ay ang pagduwal. Ang mga sumusunod ang pinaka-pangkaraniwan:
-
Anticipatory (Antimano): kadalasang nagsisimula matapos ang ilang sesyon ng chemotherapy at nangyayari kapag mayroong mga hudyat sa kapaligiran gaya halimbawa ng amoy ng alcohol o mga tunog sa pagamutan. Maaari mong bawasan ang mga palatandaang ito sa pamamagitan ng pagbabago ng mga gawi, hipnotismo, paglilibang o di kaya’y ang abalahin ang sarili. Hindi gaanong epektibo ang mga antiemetics (mga drogang laban sa pagduwal).
-
Acute (Matindi): Kadalasan ay may kaugnayan sa chemotherapy; ang droga, ang dosis, oras ng paggamot at iba pang dahilan ang siyang nagpapasiya sa dalas at tindi ng pagduwal.
-
Delayed (Nahuhuli): Madalas nangyayari sa mga pasyente na nakakatanggap ng mataas na dosis ng chemotherapy at ito ay nangyayari kapag ang mga palatandaan ay naroroon makalipas ang 24-oras matapos ang paggagamot.
-
Chronic (Hindi Gumagaling): Naiiba sa pagduwal at pagsuka nang dahil sa chemotherapy, ang hindi gumagaling na pagduwal ay pangkaraniwan sa mga pasyenteng malala na ang kanser. Maraming maaaring dahilan nito, isa na ang hindi pagkadumi, ang paggamit ng antidepressants o gamot sa sakit o di kaya’y nang dahil na rin sa kanser.
Ang matindi, nahuli o ang hindi gumagaling na pagduwal ay karaniwang nagagamot ng droga na antiemetic (laban sa pagduwal). Magtanong sa iyong manggagamot kung alin ang nararapat sa iyo.
Pamamahala sa Sarili
Samantalang ang antiemetics ay nakakagaling, maraming likas na panlunas sa pagduwal at pagsuka:
-
Umiwas sa mamantika na pagkain, pritong pagkain, malasa at matamis na pagkain.
-
Huwag magluto sa mga panahon na naduduwal ka. Kung maaari, hilingin mo ang iba upang ipagluto ka.
-
Magluto at palamigin nang mabuti ang mga pagkain bago mag-chemotherapy at initin na lamang kapag kinailangan.
-
Panatiliin ang wastong pagkain sa pamamagitan ng pag-inom ng shakes o liquid nutritional supplements.
-
Subukan ang mga pamamaraan ng paglilibang upang mapamahalaan ang anticipatory na pagduwal at magkaroon ng kompiyansa sa sarili.
Kailan Tatawag sa Iyong Manggagamot
Mahalagang inumin ang gamot ayon sa inihatol ng manggagamot. Sa pag-laban sa kanser, ang regular na dosis ay nagpapatatag ng dami ng droga sa dugo na siyang nagpipigil sa pagduwal at pagsuka. Para matiyak ang patuloy na daloy ng droga sa katawan, tawagan ang iyong manggagamot kung:
-
Ikaw ay sumusuka at hindi mo mainom ang iyong gamot
-
Ang parmasya mo ay hindi nagbebenta ng antiemetics
-
Hindi mo kayang magbayad para sa iyong mga antiemetics
-
Hindi mo sigurado kung paano at kailan iinumin ang iyong gamot
-
Mabisa ang iyong gamot ngunit hindi sa iyong kasiyahan



