• Donate

Diyeta at Pagkain

Ang kinalaman ng diyeta sa pagkakaroon ng kanser ay di pa malinaw na napapagtibay. Karamihan sa mga pag-aaral ay nagpapakita na ang diyeta na mataas sa taba ay hindi nagbibigay-panganib sa pagkakaroon ng kanser. Ngunit ang diyeta namang mababa sa taba at mataas sa himaymay, pagbabawas ng karne at dairy products, asukal, processed foods, alak at caffeine sa iyong diyeta ganun din ang pagdagdag ng whole grain (gaya ng bigas, mais o trigo), sariwang gulay at prutas ay nirerekomenda.

Ang pampalusog na diyeta ay mahalaga sa pagkakaroon ng malakas na panlaban sa sakit (immune system) at sa pagkakaroon ng kabuoang kalusugan. Ang pagkain na nakalulusog ay magpapalakas sa iyong katawan upang labanan ang karamdaman, impeksiyon at tindi, at makakadagdag sa iyong pagpapahalaga ng sarili.  Ang maayos na pagluto at pagkain ay isang paraan ng pangangalaga ng iyong kalusugan at pag-papaalala sa sarili na ikaw ay tunay na nangangalaga sa iyong katawan. 

Mayroong mga aklat – na maaaring mabili sa mga tindahan ng aklat at mga tindahan ng pangkalusugang-pagkain – na tumatalakay sa kaugnayan ng diyeta at kalusugan. Dumadami ang mga aklat tungkol sa pagluto at mga talaan ng mga putahe ng mga kainan na maaaring magamit ng mga taong naghahanap ng kakaning mababa sa taba, mamuhay na isang vegetarian o di-kaya’y magkaroon ng diyeta na puro natural na pagkain.

Kung naisin mong baguhin ang iyong diyeta, maaaring pag-aralan munang mabuti at sumangguni sa isang angkop na nutritionist o di-kaya’y sa isang pinagtibay na propesyonal ng kalusugan.

Matagal ang pagbabago ng pagkain at ibang pangkabuhayang kaugalian at maaaring mangailangan ng pagsasaliksik at pagsusubok hanggang mahanap mo ang tama o nauukol para sa iyo. Isa itong pamamaraan kaya’t dapat kang maging matiyaga. Magkaroon ka ng katamtamang hanggahan.  Ang pagkakaroon ng plano na maaksaya lamang sa oras, mamahalin o di-kaya’y masyadong matindi ay maaaring hindi makatulong sa pagkakaroon mo ng maginhawang pakiramdam.

Print Article Send to Friend
Have a question? Email us, or call the Hotline.