• Donate

Mga Katanungan para sa Iyong Manggagamot

Pakikipag-usap sa Iyong Manggagamot

Mahalagang alamin mo ang iyong mga pangangailangan bago ka makipag-usap sa iyong mga manggagamot. Mabuti rin na malaman mo ang mga pamamaraan ng iyong manggagamot sa pag-bigay ng mga kaalaman o impormasyon sa iyo.

  • Gaano karaming impormasyon ba ang nais kong malaman tungkol sa aking kalusugan?

  • Paanong pamamaraan ang nais kong gamitin ng aking manggagamot sa pagpaparating sa akin ng mga ganitong  impormasyon (halimbawa, agad tapatin ako o di-kaya’y dahan-dahan)?

  • Anong uring kalagayan ang nais ko sa oras ng aking pakikipag-usap sa aking manggagamot (tahimik, walang gumagambala, mayroong isang tape recorder o di-kaya’y may kasamang kamag-anak upang marinig ang anumang impormasyon)?

  • Paano bang magpasiya ang aking manggagamot at paano ba siyang magbigay ng impormasyon  sa akin?

  • Sa aking pagpapasiya tungkol sa uri ng paggamot sa akin, ano ba ang pinaka-mahalaga sa akin (nais ko bang mabuhay  ng matagal, gusto ko bang mabawasan ang masasamang epekto, nais ko bang makaiwas sa masakit)?

  • Mayroon ba akong magagawa upang mapadali ang pakikipag-usap ko sa aking manggagamot?

  • Alin sa mga masamang epekto ang nangangailangan ng madaliang pansin?

  • Paano akong makikipag-alam sa aking mga manggagamot sa oras ng biglang pangangailangan?

Mga katanungan para sa iyong mga manggagamot tungkol sa iba’t ibang uri ng paggamot

  • Bakit mo inirerekomenda ang ganitong paggamot o pamamaraan? Ano ang inaasahan mong bisa sa akin  ng ganitong paggamot?

  • Anu-ano mga panganib ng ganitong uri ng paggamot o pamamaraan? Ako ba ay nanganganib sa mga masamang epekto?

  • Gaano katagal ang ganitong uri ng paggamot? Gaano kadalas kong kakailanganin ito at paano ito isinasagawa?

  • Maliban dito, mayroon bang ibang pamamaraan na di gaanong matindi?

  • Ano ang maaaring mangyari kung sakaling hindi ako magpagamot?

  • Anu-ano ba ang mga palatandaan na karaniwang nagpapahiwatig sa ganitong uri ng aking kanser at paano ba ang mga ito ginagamot?

  • Paano ba itong iba’t ibang uri ng paggamot makaka-epekto sa uri ng aking pamumuhay? Magagawa ko pa ba ang mga bagay na aking ikinakasiya? Makakapag-trabaho pa ba ako, maaalagaan ko pa ba ang aking mga anak, makakapag-bakasyon pa ba ako?

  • Anu-anong pagbabago sa aking pamumuhay ang nais ninyong irekomenda habang ako ay nagpapagamot?

  • Paano at kailan malalaman ang bisa ng ganitong uri ng paggamot?

Print Article Send to Friend
Have a question? Email us, or call the Hotline.