English En Español Russian Vietnamese Tagalog Korean Chinese
Decrease Font Size Increase Font Size Email This Page Print This Page

Isang Araw na Alay para sa Iyo at sa mga Kaibigan ni Ann at Mimi

Ang programang ito ay naisagawa sa pamamagitan ng isang handog ng Avon Foundation. Ang mga kalahok sa Isang Araw na Alay para sa Iyo (A Day for You) ay dadalo sa isang araw na pagpupulong upang matutunan ang maagang pagtuklas at maturuan ng panariling-pagsusuri ng suso at makatanggap ng pagsusuri sa suso. At kung nararapat at kinakailangan, mayroon ding mammogram duon mismo sa pinagpupulungan. Ang mga kababaihan na nakatira sa mga maralitang komunidad ng Chicago, Houston, the National Capital Area at San Diego ay inaanyayahang dumalo sa Isang Araw na Alay para sa Iyo. Ang programa na ito ay isinasagawa sa mga komunidad ng mga Latina at Asiana at isinasagawa sa kanilang sariling wika.

Kasamang nagsasagawa ng programang Isang Araw na Alay para sa Iyo (A Day for You), ang Mga Kaibigan ni Ann at Mimi (Friends of Ann & Mimi) ang mga pinagsanay na nagkusang-loob tumulong at mayroong kaalaman sa mga pamamaraang pangkalusugan. Sinasamahan nila ang mga kababaihan sa kanilang pakikipagkita sa manggagamot kung kinakailangan, nang sa ganun ay darating silang may kaalaman at matibay ang pagtitiwala sa sarili. Halimbawa, kapag may nakita ang mammogram na kahina-hinala na bahagi, siya ay sasamahan ng isang Kaibigan upang magpatingin sa manggagamot. Dahil ang wika ng Kaibigan na ito at ng babaeng sinasamahan ay magkapareho, nababawasan ang mga hadlang na batay sa kultura at wika. Ang Kaibigan ay makakatulong din sa mga bagay na may kinalaman sa transportasyon at seguro.

Kung gustong magtanghal ng Isang Araw Para sa Iyo (A Day for You) ang iyong healthcare center o di kaya’y nais mo ng karagdagang kaalaman, sumangguni lamang sa amin.

Email This Page:

Enter up to 5 email addresses, separated by commas

  or Cancel